Pasay City – Nakilala na ang isa sa dalawang namatay sa bumigay na crane sa bahagi ng Edsa sa Pasay City.
Kabilang sa nasawi ang crane operator ng monocrete construction na si Jonathan Diserdo at ang hindi pa nakikilalang janitor.
Bumigay ang crane sa itinatayong sa STI Academic Center sa kanto ng P.Celle Street sa Edsa Extension nang kapusin ang pressure ng hydraulic cylinder nito.
Dahil dito, bumagsak ang crane sa katabing building na isang residential establishment.
Kabilang naman sa mga nasaktan ang mga guwardiyang sina Kumbo Dimalanes at Jay Duran, Liu Shen Xiu, Francisco Angcatan, Melvin Yosores at Elmer Sedol habang dalawang van at isang kotse din ang napinsala sa insidente.
Facebook Comments