Bumagsak na SF20 aircraft, walang ejection mechanism – Philippine Air Force

Hindi tulad ng mga fighter jets, walang ejection system ang bumagsak na SF260 aircraft ng Philippine Air Force.

Ito ang kinumpirma ni PAF chief public affairs office Col. Ma Consuelo Castillo, pero mayroon naman aniya itong parachutes.

Paliwanag ni Castillo, ang standard operating procedures kapag nagka aberya ang aircraft ay dalhin ito sa ligtas at clear landing zone bago tuluyang mag-bail out ang mga piloto.


Pero, sa kasaysayan aniya ng mga aircraft sa Philippine Air Force ay walang nagtangkang mag bail out na piloto sa emergency situwation dahil sinisiguro ng mga ito na walang ibang madadamay.

Sa ngayon, mayroon na lamang 3 na SF260 ang PAF makaraang bumagsak ang isa kamakalawa na ikinasawi ng 2 nitong piloto.

Ang SF260 ay isang fixed wing aircraft na ginawa noong 1994 at unang ginamit ng Philippine Air Force Flying School para sa kanilang military pilot training at ni-reconfigure ito bilang isang attacked aircraft noong early 2000’s.

Ginamit din ito ng hukbo para sa kanilang internal securities at disaster relief operations sa Marawi.

Facebook Comments