BUMALIGTAD | 18 patay sa pagkadiskaril ng tren sa Taiwan

Taiwan – Nasawi ang nasa 18 katao habang 178 ang sugatan matapos madiskaril ang isang tren sa Yilan County, Taiwan.

Tumatakbo ang tren lulan ng 366 na pasahero sa pagitan ng siyudad ng Shulin at Taitung nang mangyari ang aksidente.

Lahat sa walong bagon ng tren ang nadiskaril kung saan lima rito ay bumaligtad pa.


Inaalam na ang dahilan ng pagkadiskaril.

Facebook Comments