Manila, Philippines – Nabulgar sa briefing sa Kamara na nakakagamit muli ng cellphone ang mga inmates para sa mga iligal na transaksyon at kalakaran ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Inamin ni Superintendent Roberto Rabor ng BuCor na marami nang jammer sa NBP ang nasira kaya nakakagamit ng patago ng cellphone ang mga inmate.
Sinabi naman ni Special Action Force (SAF) Deputy Director Chief Superintendent Dennis Basngi na araw araw ay may nakukuha pa rin silang mga cellphones.
Bukod dito, problema din ang limitadong range ng jammer kaya hindi nasasakop ang buong compound ng NBP.
Dahil dito, bubuo na ang Kamara ng oversight committee na tututok sa operasyon sa NBP.
Mahalaga ayon sa komite na mabuo ang oversight committee lalo’t may panibagong grupo na nasa likod ng drug trade sa NBP.