BUMAWI | Mariah Carey – humataw sa New Year countdown sa New York

Amerika – Naging “flawless” ang performance ng american Pop Diva na si Mariah Carey sa star-studded na programa para sa new year countdown sa New York kagabi.

Tila pambawi nga raw ito ng singer sa kontrobersyang kinaharap niya noong nakaraang taon sa parehong event kung saan tumigil siya sa pagkanta sa kabila ng pagtunog ng kanyang pre-recorded track.

Muling pinahanga ni Mariah Carey ang nasa dalawang milyong kataong dumalo sa event sa pag-awit niya ng “so faithfully” at “hero”.


Tampok ding performers sa New York Revelry sina Nick Jonas, “Havana” singer Camila Cabello at Sugarland.

Naging host naman ng event sina Ryan Seacrest at Jenny Mccarthy.

Facebook Comments