Bumbero aksidenteng nabaril ang sarili sa bayan ng Mlang North Cotabato

Aksidenteng nabaril ng bumbero ang kanyang sarili pagkatapos nitong barilin ang isang aso sa labas ng kanyang bahay kagabi sa Purok 1, Brgy. Bialong sa bayan Mlang sa lalawigan ng Cotabato.
Kinilala ang biktima na si FO3 Richard Dafielmoto Provido, 53 anyos, may-asawa, bumbero na nakatalaga sa bayan Buluan Maguindanao.
Sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla umanong pumutok ang kanyang cal. 45 pistol na kanyang inilagay sa kanyang baywang pagkatapos barilin ang isang aso.
Unang isinugod sa Mlang Medical hospital ang biktima subalit inilipat din ito sa Kidapawan Medical Specialist . Nakuha sa crime scene ang baril ng biktima na may lamang limang bala.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments