Bumbero, nailigtas ang babae sa eroplano na 30-minutes nang walang pulso

( Provided by Hearst Television, Inc)

Nailigtas ng bumbero ang isang babaeng pasahero sa sinasakyang eroplano matapos itong mawalan ng pulso sa loob ng 30-minuto.

Ayon sa ulat, byaheng pa Los Angeles raw mula Detroit sakay ng Delta Airlines ang bumbero na si Trevor Jaha, 40, nang biglang atakihin sa puso ang kapwa niya pasaherong kinilalang si Chelsea.

Agad raw nagsagawa ng Cardiopulmonary resuscitation (CPR) si Jaha kay Chelsea na tumagal ng mahigit kalahating oras.


Apat na beses umanong nagsagawa ng Automated External Defibrillator ngunit hindi nito napabalik ang pulso ng biktima at sa ika-limang pagkakataon ay bumalik ang pulso nito at dito raw napilitang mag-emergency landing ang naturang eroplano.

Ibinahagi ng Savannah Fire Rescue sa facebook post, “After a hospital stay she regained the ability to walk and talk – with no signs of brain damage.”

Sinabi ng departamento na nakatulong ang isinagawa ni Jaha para hindi umabot sa brain damage ang biktima.

Pahayag naman ng kapatid ng naturang babae, itinuturing niyang bayani si Jaha.

“I can’t thank him enough and I just wanted to make people aware, he’s a hero,” saad nito.

Samantala, sinabi naman ni Jaha na nagpapasalamat raw siya na nasa maayos na kalagayan na si Chelsea gayundin ang kanyang buong pamilya.

Facebook Comments