Namatay ang isang bumbero ng Bureau of Fire Protection (BFP) matapos sumailalim sa sampung araw na pag-eensayo nitong Huwebes ng umaga.
Pahayag ni Chief Inspector Jude Delos Reyes, tagapagsalita ng BFP, biglang hinimatay si FO1 Clinton Obedoza sa kasagsagan ng pagsasanay sa National Fire Training Institute, sa Camp Vicente Lim, Calamba, Laguna.
Unang isinugod ang 25-anyos na lalaki sa Calamba Doctors Hospital at inilipat kalaunan sa Intensive Care Unit (ICU) ng Chinese General Hospital.
Tuluyan binawian ng buhay si Obedoza sanhi ng multiple organ failure.
Nabatid na sumailalim ito sa mas mahirap na sa rescue training para maging parte ng Special Rescue Unit ng naturang kagawaran.
Sa nasabing aktibidad, hindi maaring sumali ang mga bumberong may iniindang karamdaman. Batay sa record nila, walang pre-existing medical condition ang nasawing BFP trainee.
Nilinaw naman ng BFP na hindi biktima ng hazing si Obedoza. Pero tuloy pa rin ang imbestigasyon nila hinggil sa pangyayari.