Bumigay na bahagi ng Skyway Stage 3 dahil sa sunog, naitayo na muli

Napalitan na ang bumigay na bahagi ng Metro Manila Skyway Stage 3 sa Pandacan, Manila na nadamay sa sunod noong Pebrero.

Ayon kay Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, ang lower at upper coping beams para sa pier 3, 4, 5 ay naitayo na muli.

Ang mga deck slab para sa spans 5 at 6 ay nakumpleto na rin.


Aniya ang mga bahaging ito ang mga nasunog.

Sa ngayon, ang Skyway State 3 ay 88.72% na tapos, maliban sa Section 2A o ang Tomas Claudio-PUP Sta. Mesa segment na magsisimula pa lamang ng civil works.

Sinabi ni Villar na pinaiigting na nila ang right-of-way acquisition para simulan ang konstruksyon ng Section 2A.

Kapag natapos ang proyekto, ang 18.83 kilometer Skyway Stage 3 ay inaasahang mapapadali ang biyahe mula Buendia patungong Balintawak sa 15 hanggang sa 20 minuto mula sa kasalukuyang dalawang oras.

Magsisilbi rin itong direct toll road link sa pagitan ng North Luzon Expressway (NLEX) at South Luzon Expressway (SLEX).

Facebook Comments