BUMIGAY NA KISAME | 1 patay, 13 preso, sugatan sa Butuan City Jail

Butuan City – Isang preso ang patay habang 13 ang sugatan sa pagbagsak ng kisame sa Butuan City Jail.

Bumigay umano ang kisame ng kanilang selda dahil sa malakas na hangin at ulan bunsod ng bagyo.

Isinugod naman sa Butuan City Medical Center ang mga nasugatan habang ang iba ay isinailalim sa psycho-social debriefing.


Hindi naman na pinangalanan ng BJMP ang nasawing inmate.

Facebook Comments