BUMISITA | Korean Prosecutors, dumating sa DOJ

Manila, Philippines – Bumisita sa Department of Justice ang ilang prosecutors ng South Korean government.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, natalakay nila sa pagbisita ng Korean prosecutors ang alok nitong training assistance sa DOJ Prosecutors partikular sa larangan ng cyber-crime at digital forensics.

Ayon kay Guevarra, napapanahon ito dahil inilalatag ng DOJ ang training system para sa mga prosecutor nila.


Bahagi ng programa ng DOJ ang pagbuhay at muling pagpapalakas sa National Prosecution Service Academy ng kagawaran sa Clark.

Una nang naaresto ng Bureau of Immigration ang ilang Korean fugitives na sangkot sa cyber-crime cases sa kanilang bansa.

Facebook Comments