Bumisita sa Kalayaan Group of Islands o Spratly Islands sa West Philippine Sea ang Vietnamese Navy.
Ayon kay Commodore Rommel Jason Galang, commander ng Naval Forces West, ang Vietnamese People’s Navy contingent na binubuo ng 63-katao ay pinamunuan ni Senior Captain Nhuyen Viet Thuan.
Sinalubong sila sa Parola island ng fleet marine personnel ng Naval Forces West na pinamumunuan ni Captain Carlos Sabarre, Deputy Commander for Fleet Operations.
Layunin ng pagbisita para makapagsagawa ng goodwill games ang mga tropa ng Pilipinas at Vietnam na mas magpapatibay ng samahan ng magkabilang panig.
Nagsagawa rin ng joint training ang mga tropa tulad ng table top exercises at communication exercises, upang mahasa ang interoperability ng Philippines at Vietnamese navies.
Ayon kay Commodore Galang, ang pagbisita ay lumikha ng isang “friendly atmosphere” sa pagitan ng Philippine at Vietnamese navies, sa pagsulong ng kooperasyon sa West Philippine Sea.
Ang Parola Island ang pangatlong pinaka-malaking isla na okupado ng Pilipinas sa Kalayaan Group of Islands sa pinag-aagawang West Philippine Sea.