BUMULUSOK | 1 patay, 12 sugatan sa pagbagsak ng hot air balloon sa Jeju Island sa South Korea

44

Korea – Patay ang piloto ng hot air balloon na bumagsak sa Jeju Island kahapon. Nagtamo siya ng matinding tama sa kanyang ulo.

Swerte namang minor injuries lang ang sinapit ng labing dalawang turista na sakay nito.

Sa inisyal na imbestigasyon, naging mabilis ang pagbagsak ng hot air balloon na bumagsak sa mapunong bahagi ng isla. Inaalam pa ang sanhi ng pagbagsak.

Isa ang Jeju island sa pinakasikat na tourist destination ng South Korea. Noong nakaraang taon, nasa labing limang milyong turista ang sinasabing bumisita sa nasabing lugar.

Facebook Comments