BUMULUSOK | Score ng Pilipinas sa 2017 Global Corruption Perception Index, lalo pang bumaba

Manila, Philippines – Sa loob ng limang taon, nakuha ng Pilipinas ang pinakamababang score sa Global Corruption Perception Index 2017.

Batay sa latest index ng Transparency International, mula 35 noong 2016 ay bumaba pa sa 34 ang score ng Pilipinas noong nakaraang taon.

Dahil dito, nasa ika-111th place na ngayon ang Pilipinas mula sa isang daan at walumpung (180) bansang kasama sa listahan.


Maliban sa India at Maldives, tinawag din ang Pilipinas na “Worst Regional Offenders” pag-dating sa mga journalist, activist, opposition leader at mga law enforcer unit o watchdog agencies na pinagbabantaan o pinapatay.

Facebook Comments