Bumuo na ng Task Force ang Quezon City Police District para imbistigahan ang pamamaril sa sasakyan ng aktres na si Kim Chiu kaninang umaga

Ayon kay QCPD DD Gen. Ronnie Montejo, kabilang sa tututukan  ng Special Investigation Task Force Kim ang pag kalap ng ibidensya tulad ng cctv at saksi sa nasabing krimen.

Pinagaaralan din ng task force ang trajectory ng bala.

Sinabi ng Heneral hindi maituturing na pananakot lang ang intensyon sa insidente dahil sa dami ng balang pinakawalan ng gunman.


Bukod pa dito, ayon kay Montejo Otomatikong may intensyong pumatay ang isang tao kapag bumunot na at nagpaputok  ng baril.

Sa ngayon may mga pulis na nagbabantay ay Kim Chiu habang nagpapatuloy ang imbistigasyon.

Facebook Comments