BUMUWELTA | Cayetano – may buwelta sa mga bansang bumabatikos sa human rights situation sa Pilipinas

Manila, Philippines – Binuweltahan ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang 38 bansa na bumatikos sa Pilipinas dahil sa umano ay nangyayaring human rights abuses dito.

Sa isang statement, sinabi ni Cayetano na ikinalulungkot nila ang paninindigan ng mga bansang ito sa kani-kanilang posisyon hinggil sa isyu.

Sa kabila ito ng imbitasyon nilang bumisita sila sa Pilipinas para personal na makita ang tunay na sitwasyon sa bansa.


Kamakaulan lang nang hinikayat ng mga bansang Iceland, United States, Australia, United Kingdom at Canada ang gobyerno ng Pilipinas na gumawa ng hakbang para mawakasan ang pamamaslang na iniuugnay sa war on drugs ng administrasyon.

Dapat din daw na makipagtulungan ang Pilipinas sa international community na imbestigahan ang lahat ng mga related deaths sa kampanya kontra iligal na droga at panagutin ang mga sangkot dito.

Facebook Comments