BUMUWELTA | Senator Sotto, pumalag sa kritisismo ng US at EU sa Duterte Administration kaugnay sa war on drugs

Manila, Philippines – Iginiit ni Senate Majority leader Tito Sotto III na hindi alam ng Amerika at European Union ang tunay na nangyayari sa sa Pilipinas dahil nakikinig lang ang mga ito sa mga grupo at miyembro ng media na Anti-Duterte Administration.

Pahayag ito ni Sotto makaraang pu nahin muli ng US state department at ng parliament ng EU ang mga patayan sa bansa kaugnay sa kampanya kontra ilegal na droga.

Ayon kay Sotto, hindi maitatama ng kahit na sino ang impormasyong hawak ng EU at US maliban na lang kung bahasahin ng mga ito ang tunay na data at pakikingggan ang panig ng Duterte Administration.


Sabi ni Sotto, “kung ayaw ng US at EU na makinig sa katotohanan, eh di wag!”

Palibhasa aniya ay masyadong palasak ang droga sa US at sa mga bansang kasapi ng EU.

Tanong pa ni Sotto, bakit mukhang mga drug pushers lang ang mahalaga para sa US at EU sa halip na tutukan din ng mga ito ang ibang issue tulad ng mga kaso ng rape sa India.

Facebook Comments