Manila, Philippines – Bumuwelta si Vice President Leni Robredo sa pangmamaliit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kakayahang mamuno.
Giit ni Robredo, ayaw niya na sanang patulan ang sinabi ng Pangulo dahil dapat na lang aniyang tutukan ni Duterte ang lagay ng ekonomiya ng bansa.
Una nang sinabi ni Duterte na hindi magiging handa si Robredo na pamunuan ang gobyerno.
Ito ay matapos ianunsiyo ni Robredo na handa na siyang mamuno sa oposisyon.
Samantala, bumanat din sa pamamagitan ng social media ang legal adviser ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez.
Hirit niya “nagsalita ang magaling,” sabay litanya sa mga umano ay kapalpakan ng kasalukuyang administrasyon.
Facebook Comments