BUMWELTA | Chief Acosta, tinawag na bully sina Senador Drilon, De Lima

Manila, Philippines – Bumwelta si Public Attorneys Chief Persida Acosta kina Senador Franklin Drilon at Senador Leila De Lima na tinawag niyang bully.

Tugon ito ni Acosta sa sinasabi nina Drilon at De Lima na makupad ang PAO sa pag-asikaso sa may mahigit 800 na inmates na dapat na umanong napalaya.

Ayon kay Acosta, anim na taon na walang ginawa ang nagdaang administrasyon sa ilalim ng noon ay Justice Secretary na si Leila De Lima pero ngayon ay malakas ang loob na bumatikos para makakuha ng simpatiya sa publiko.


Sa katunayan ani Acosta, sila ang PAO ang nagtrabaho sa Korte Suprema para ipatupad ang Hernan doctrine.

Bilang resulta, may mahigit labing apat na libong inmates na biktima ng hustisya ang kanilang naasistihan at napalaya.

Wala aniyang alam ang isang nakakulong na senador sa pagsusumikap ng mga PAO field lawyers na patuloy na nagpepetisyon sa lower courts para matulungan ang mga inmates na dapat ay napalaya.

Kahapon ay bumisita sa women’s correctional si Acosta para isang medical mission at legal assistance sa mga inmates doon.

Facebook Comments