Tinawag na kalokohan at propaganda lamang ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang temporary ceasefire na idineklara ng New People’s Army (NPA).
Hindi irerekomenda ni Secretary Eduardo Año na tapatan ang holiday truce ng CPP-New People’s Army dahil gagamitin lamang itong pagkakataon para magpapalakas sila ng puwersa kaugnay ng kanilang 50th Anniversary.
Sinabi pa ni Año na pagkukunwari lamang ito ng rebeldeng grupo dahil wala naman talaga itong intensyon na ihinto ang pakikipaglaban sa gobyerno.
Kung talagang sinsero aniya ito na makamit ang pangmatagalang kapayapaan, dapat ay pinabalik na nila sa bansa si Joma Sison para sa pakikipag-usap.
Facebook Comments