BUMWELTA | Ibinunyag na Red October plot, hindi minamaliit ng Malacañang

Manila, Philippines – Seryosong titingnan ng Palasyo ng Malacañang ang kuntsabahan ng ibat-ibang grupo para patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte sa posisyon.

Ito ay kasunod na rin ng naging pahayag ng Armed Forces of the Philippines o AFP na mayroon silang nakuhang impormasyon na magsasagawa ng tinatawag na Red October ang ilang kalaban ng administrasyon matapos hindi umubra ang kanilang umano’y ouster plot nitong nakaraang September 21.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, tatlong grupo na may iisang hangarin ang nagsama-sama para maisakatuparan ang planong pagpapatalsik sa Pangulo at ito ay ang mga komunistang grupo, mga dilawan at si Senador Antonio Trillanes na mahilig naman aniya sa kudeta.


Binigyang diin ni Roque na hindi dapat maliitin ang conspiracy theory ng AFP dahil siguradong mayroon itong basehan mula sa intelligence community.

Facebook Comments