BUMWELTA | Jessy Mendiola – may panibagong buwelta sa mga basher

Manila, Philippines – May panibagong buwelta si Jessy Mendiola sa kanyang mga bashers kaugnay ng pagpapapayat niya.

Dati nang naging biktima ng body-shaming ang aktres matapos siyang hiranging sexiest woman ng FHM noong 2016.

Puna ng ilang netizens, hindi naman daw ka-sexy-han noon si Jessy.


Samantala, kamakailan lang nang ma-bash na naman si Jessy matapos ang sunud-sunod na post niya sa social media tungkol sa kanyang pagpapapayat.

Sagot ng aktres, nung malaman (chubby) siya ang dami raw sinasabi sa kanya pero ngayong pumayat na siya, puro dada pa rin ang mga bashers niya.

Payo pa niya, mag-exercise na lang din daw ang kanyang mga basher para sumaya naman sila.

Facebook Comments