Manila, Philippines – Dinedma ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison ang suhestyon ng Malacañang na umuwi ng Pilipinas para personal na makita ang foreign policy ng Duterte administration.
Ayon kay Sison, hindi niya kailangang umuwi ng bansa para malaman ang pamamaraan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad nito ng foreign policy.
Halata naman aniya na sunud-sunuran ang Pilipinas sa ilang makapangyarihang bansa, tulad na lamang ang pang-aalipin nito sa China.
Dagdag pa ni Sison – matapang lang ang Pangulo lalo na sa pagpatay sa mga mahihirap habang tila ‘bahag ang buntot’ nito sa China lalo na sa paggiit ng soberenya ng bansa.
Dapat aniya ihalimbawa ang Vietnam kung saan naghain ito ng diplomatic protest laban sa China sa ilalim ng bilateral at multilateral basis habang pinapanatili ang diplomatic at trade relations nito.