Tinawag na buang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Magdalo party-list.
Sa naging talumpati ng Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng Filipino community sa Papua New Guinea sinabi nito na dapat na maging maingat ang mga Pinoy sa Magdalo dahil inihahalintulad niya ito sa International Terrorist Group Islamic State (ISIS).
Bukod dito, binanatan din ni Duterte si Senator Antonio Trillanes IV na aniya ay walang ginawa kundi maghamon at pagkatuwaan ang mga tao.
Dagdag ng Pangulo, gagantihan ng kaniyang anak na si Paolo si Trillanes dahil sa pinahiya siya nito.
Matatandaan na inakusahan ni Trillanes si Paolo na pagiging sangkot sa international syndicate na siyang nagpapasok ng iligal na droga sa Pilipinas bagay na itinanggi ng dating vice mayor ng Davao.