BUMWELTA | Malacañang, pinalagan ang pahayag ni dating Pangulong Noynoy Aquino na baka sapitin din niya ang nangyayari kay Sen. Leila De Lima

Manila, Philippines – Bumwelta ang Malacañang sa pahayag ni dating Pangulong Noynoy Aquino na nangangamba siya sa maaari niyang sapitin ang nangyayari kay Senadora Leila De Lima.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat pa ngang magpasalamat si Aquino kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi pagbaliktad sa Dengvaxia controversy sa political witch-hunt.

Aniya, masyado ngang naging kampante ang Pangulo kaugnay sa isyu ng Dengvaxia.


Una nang hiniling ni Aquino na ibasura ang criminal complaint laban sa kanya hinggil sa dengue immunization program kung saan nasa 800,000 na mga bata ang nabakunahan ng Dengvaxia.

Facebook Comments