BUMWELTA | Pagbanat ng isang New-York based human rights group sa administrasyon – binweltahan ng Malacañang

Manila, Philippines – Kalokohan para sa Palasyo ng Malacañang ang naging pahayag isang New-York Based human Roghts Watch kung saan sinabi nito na Human Rights Calamity ang dalawang taong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabatid na sinabi ng human rights group na imbes na ipagdiwang ang ikalawang taon ng Duterte administration ay dapat itong ipagluksa dahil sa dami ng insidente ng paglabag sa karapatang pantao dahil sa kampanya sa iligal na droga.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa dalawang taon ni Pangulong Duterte sa posisyon ay itinataguyod pa ng Pangulo ang iba’t-ibang uri ng karapatang pantao kung saan kabilang dito ang pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga pampublikong paaralan, libpreng pagkain, karapatan ng mga kabataan at libreng patubig na kabilang sa kapatan ng tao na maghanap buhay.


Ang kampanya naman aniya laban sa iligal na droga ay para itaguyod ang karapatang mabuhay at kalusugan ng mga Pilipino.

Facebook Comments