Manila, Philippines – Binweltahan ng Palasyo ng Malacañang si Senador Risa Hontiveros matapos nitong akusahan si Pangulong Rodrigo Duterte na tinatakpan lang ang mga mahahalagang issue ng bansa gamit ang pahayag nito patungkol sa Diyos.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, walang dapat pagtakpan ang Pamahalaa dahil nagtatagumpay ang Administrasyong Duterte sa mga krusada nito.
Sinabi ni Roque na hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabing issue ni Hontiveros gayong natutupad naman ng Pangulo ang kanyang mga ipinangako sa mamamayan.
Ipinagmalaki ni Roque na bumababa ang bilang ng mga nagugutom base sa survey at tumaas naman ang net optimism sa ekonomiya ng bansa at nalampasan pa ng Pilipinas ang iba pang bansa sa rehiyon kaya kung nagtataka siya kung ano ang sinasabi ni Hontiveros na tinatakpan ng Pangulo.
Nararamdaman narin aniya ang iba pang pangako ng Pangulo tulad ng mas komportableng buhay para sa lahat at isang tagumpay din aniyang maituturing ang laban ng pamahalaan sa korapsyon at ipinagbabawal na gamot.