Manila, Philippines – Pumalag si Philippine Charity Sweepstakes Office
(PCSO) Board Member Sandra Cam ang 48 mambabatas na nanawagan sa kanyang
pagbibitiw.
Ito ay matapos maghain ng resolusyon sina Cong. Arnulfo Teves Jr., Cong.
Danilo Suarez at Cong. Robert Barbers dahil sa pagbibitaw ni Cam ng mga
‘contemptuous’ at ‘threatening’ na mga pahayag.
Ayon kay Cam – wala silang awtoridad para utusan siyang umalis ng pwesto.
Tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lang ang may karapatang magpa-alis sa
kanya.
Naniniwala rin si Cam na posible ring pinag-iinitan siya ni Teves dahil sa
paratang nitong operator ito ng mga Small Town Lottery sa Negros Oriental,
bagay na itinanggi ng mambabatas.
Iginiit din ni Cam – may sapat siyang ebidensya para patunayan na si Teves
ang nagmamay-ari ng mga STL.
Inihahanda na ng kampo ni Cam ang kaso sa Ombudsman laban kina Teves at
balak nila itong isampa pagkatapos ng Semana Santa.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>