BUMWELTA | PRRD, pinuna ang simbahang Katolika

Manila, Philippines – Binanatan muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang simbahang katolika.

Ito ay kaugnay sa panghahalay ng ilang pari sa mga bata.

Ayon kay Pangulong Duterte, matagal nang alam ng mga lider ng simbahan ang tungkol sa mga ginagawang pang-aabuso ng ilang pari.


Pero patuloy pa rin ang pag-asta ng simbahan na sila ang laging tama.

Inalala rin ng Pangulo ang pagmolestya sa kanya at kanyang mga kaklase ng pari noong nag-aaral pa siya sa Ateneo de Davao University.

Sinabi rin ng Pangulo na kahit mayroong separation of church and state ay patuloy pa din ang paghingi ng simbahan ng mga bagay mula sa gobyerno gaya ng sasakyan.

Facebook Comments