BUMWELTA | Sen. Trillanes, hinamon si PRRD na magpa-drug test

337

Manila, Philippines – Muling binuhay ni Senator Antonio Trillanes IV ang kanyang hamon kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpa-drug test.

Hindi kasi kumbinsido si Senator Antonio Trillanes IV na joke lang ang naging pag-amin ni Pangulong Duterte na gumamit sya ng marijuana para manatiling gising sa kanyang pagdalo sa 33rd ASEAN Summit na ginanap sa Singapore.

Para kay Trillanes, desperado na si Pangulong Duterte sa pagresolba sa epekto ng kanyang pahayag kaya idinadahilan nito na siya ay nagbibiro lamang.

Ayon kay Trillanes huli na ang anumang paliwanag ni Pangulong Duterte dahil bistado nang ito pala ay isa umanong durugista.

Facebook Comments