BUMWELTA | Trillanes, sinagot ang banat na wala siyang naiambag sa militar

Manila, Philippines – Kasunod ng pinakahuling pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte kung saan sinabi nito na wala namang nagawa si Senator Antonio Trillanes para sa militar, inilabas ngayon ng senador ang listahan ng mga batas at proyekto nito para sa militar at mga pulis upang pasinungalingan ang naging pahayag ng Pangulo.

Kabilang dito ang Joint Resolution No. 5, kung saan itinaas ang subsistence allowance ng uniformed personnel mula sa P90 hanggang P150.

Kabilang rin ang bagong AFP Modernization Act, Salary Standardization Law 3 at RA 10649 na nagdagdag sa burial assistance para sa mga beterano.


Binanggit rin ng senador ang mga infrastructure projects para sa militar na napondohan dahil sa kaniyang assistance. Kabilang dito ang barracks, mess halls at quarters para sa mga enlisted personnel, club rooms at quarters para sa officers at multi-purpose buildings sa iba’t-ibang kampo sa buong bansa.

Ayon sa senador, napaka-insecure ng Pangulo dahil kinailangan pa nitong pagkumparahin ang kanilang kontribusyon sa militar, gayung hindi naman ito kailangan dahil pareho nilang tungkulin na isaalang-alang ang sandatahang lakas ng Pilipinas.

Facebook Comments