Manila, Philippines – Natuwa ang liderato ng National Capital Region Police Office sa mataas na favorable image level ratings na nakuha ng NCRPO sa survey na isinagawa ng National Police Commission.
Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde patunay lamang ito na nagbubunga na ang kanilang pagsusumikap na mabago ang imahe ng mga pulis sa Metro Manila.
Base sa resulta ng survey, mula sa 50.78% ay tumaas ng 1.22% at nakapagtala ngayon ng 52% ang public trust & respect ang NCRPO, habang ang dating 29.3% na level of public safety ay umangat na sa 42.7%
Ipinakita din sa survey na naging mabilis ang NCRPO sa pagresponde sa mga sumbong at paghingi ng saklolo ng publiko.
Ang nasabing survey ay isinagawa sa 570 respondents sa piling barangay sa Metro Manila.