Buntis biktima ng pamamaril sa lungsod

40

Isang buntis ang biktima kahapon ng pamamaril sa bahagi ng Don Rufino Alonzo street particular tapat ng LCT Hardware barangay Poblacion 5 dakong alas 3:45 ng hapon. Kinilala ang biktima sa palangan Raiza Dalimbang Kadil 28 anyos, na pitong buwang buntis, na resident eng Lebak Sultan Kudarat Province, na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa likod at sa tiyan. Ayon pa sa inisyal na inbestigasyon ng PP1, ni PCI Reynaldo Delanten, galing umano sa SKK department store ang biktima kasama ang kanyang kapatid at silay naglakad sa naturang lugar at pagsapit sa tapat ng LCT Hardware at bigla silang dinikitan ng isang lalaki sakay ng motorsiklo na kulay pula at itim at walang sabi-sabing pinagbabaril ng dalawang beses ang kawawang buntis. Matapos ang krimen ay mabilis namang tumakas ang gunman habang agad ding isinugod ng kapatid ang biktima sa Pureculture hospital, ngunit dahil nasa maselan ang tama ay inilipat ito sa CRMC. Tinamaan din ng stray bullet ang isang Toyota Innova na nakaparada sa lugar. Isang slug naman ng caliver 45 pistol ang narecover ng SOCO team sa crime scene.Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng kapulisan kung anu ang motibo sa krimen.

Facebook Comments

From Advertisers