BUNTIS CARAVAN, ISINAGAWA SA BAYAN NG IGUIG

CAUAYAN CITY – Isinagawa ng lokal na pamahalaan ng Iguig ang Buntis Caravan katuwang ang Rural Health Unit (RHU) para makapagbigay ng magandang serbisyong medikal sa mga residenteng buntis sa naturang bayan.

Naabutan ang mga lumahok ng buntis kits at nagkaroon din ng talakayan patungkol sa usaping pampamilya, tamang nutrisyon na kailangan ng mga buntis at tamang pangangalaga sa sarili habang nagbubuntis.

Ang naturang aktibidad ay taunang programa ng LGU Iguig sa pamamagitan ng Municipal Health Office.


Sa naging mensahe ni Vice Mayor Juditas Trinidad, magpapatuloy ang kanilang programa para masiguro na ligtas ang pagbubutis ng mga ina sa kanilang lugar.

Facebook Comments