Buntis, ikinagulat ang ‘mukhang alien’ sa ultrasound scan

Courtesy: Mirror

Napalitan ng takot ang sayang naramdaman ng isang buntis nang mapansin niya ang hugis alien umano sa kanyang ultrasound scan.

Kuwento ni Sophie Scott, 16-anyos, mula sa United Kingdom, may nakita sila ng kanyang partner na sobrang mata at hugis alien na ulo malapit sa kanilang baby.

Nabanggit din ng first-time mom na mahilig sa mga alien at demonyo ang dati niyang kasintahan kaya ang biruan nilang mag-asawa, baka raw nag-iwan ito ng sumpa.


Alien graphics / iStock photo

Sa October nakatakdang lumabas ang malusog na baby girl, na biro pa ni Scott ay ‘wag sanang tumapat sa Holloween dahil mas nakakatakot daw iyon.

Gayunpaman, kinumpirma ng medical staff na walang senyales ng alien o anuman sa scan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may mga magulang na nawindang sa kani-kanilang baby scan.

Noong nakaraang taon, may isang buntis na nagsabing nag dirty finger ang kanyang baby bilang ganti sa doktor na buong araw na itong sinusundot at kinakalabit.

Facebook Comments