Buntis na nurse, nasawi sa COVID-19; sanggol nito, ligtas na naipanganak

2045
(Unsplash)

BEDFORDSHIRE, England – Maswerteng nakaligtas ang sanggol na dala-dala ng buntis na nurse sa kabila ng pagpanaw nito dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Namatay noong Linggo si Mary Agyeiwaa Agyapong, nagtatrabahong nurse sa general ward sa Luton and Dunstable University Hospital sa loob ng limang taon.


Habang ang dinadalang sanggol nito ay ligtas na nailabas at kasalukuyan ng nasa maayos na kalagayan ayon sa ospital.

Sa report ng Bedfordshire Hospitals NHS Foundation Trust, nagpositibo sa COVID-19 si Agyapong noong Abril 5 at naisugod sa ospital na kanyang pinagtatrabahuan noong Abril 7.

Sabi ni chief executive ng ospital na si David Carter, “It is with great sadness that I can confirm the death of one of our nurses, Mary Agyeiwaa Agyapong, who passed away on Sunday.”

Ipinahatid naman nito ang pakikiramay sa pamilya ng naturang nurse na kasalukuyang hinihinging maging pribado muna ang lahat matapos ang trahedya.



Facebook Comments