BUNTIS, NANGANAK SA AMBULANSYA SA STA. BARBARA, PANGASINAN

Naabutan ng pangnaganak sa ambulansya ang isang 29 anyos na ginang mula sa Brgy. Botao, Sta. Barbara, Pangasinan, kahapon.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), humingi ng tulong ang pamilya upang madala sa ospital ang babae ngunit inabutan na ito sa daan.

Bandang 1:54 ng hapon, tuluyang nanganak sa loob ng ambulansya ang buntis sa tulong ng kawani ng ahensya.

Itinakbo sa ospital ang mag-ina saka inendorso at in-admit sa karatig ospital.

Tiniyak ng tanggapan na ligtas ang mag-ina bago pa makarating sa ospital. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments