Buntis patay, matapos bugbugin ng kanyang live-in partner sa Muntinlupa

1562

Manila, Philippines – Nasawi ang isang ginang at nadamay pa ang ipinagbubuntis nitong apat na buwang gulang na sanggol matapos bugbugin ng kanyang live-in partner sa lungsod ng Muntinlupa.

Ang ginang ay nakilalang si Ana Cecilia Galicia,19-anyos at nakatira sa brgy. Alabang habang tumakas na ang live in partner si Carl David Asehan,19-anyos.


Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bigla nalang hinimatay ang ginang sa studio one condo sa brgy Alabang.

Sa tindi ng pinsala o injuries na inabot ay binawian ito ng buhay habang ginagamot sa Asian hospital sa Alabang.

Ayon sa amain nito na si Alex Dela Plata, posibleng hindi lamang bugbog ang inabot ng bktima dahil maaaring inuntog pa umano ito ng suspek na pinaniniwalaang nagdulot ng matinding head injuries sa biktima.

Nakitaan siya ng mga pasa sa mukha, hita at katawan.




Nasa women’s section pa ng Muntinlupa City police ang mga magulang ng biktima at kinukunan ng salaysay ng mga imbestigador.

Isasailalim pa sa autopsy ang bangkay ng biktima.

Facebook Comments