Buntis, pinatay ng kanyang kapitbahay sa Makati City

Manila, Philippines – Patay ang isang buntis matapos pagbabarilin ng kanyang kapitbahay sa Makati City.

Ayon kay Police Community Presinct (PCP) 10, Chief Insp. Gideon Ines – kinilala ang biktima na si Joanna Buena, 36-anyos.

Nasaksihan pa aniya ng pitong taong gulang na bata ang pagpatay sa kanyang ina.


Sinabi naman ni Makati PNP, Senior Insp. Roman Salazar – nagkaroon ng alitan ang biktima at ang suspek na si Nelson Abrazaldo nang may nagsangla ng kanyang bisikleta sa biktima.

Lumabas din sa kanilang imbestigasyon na gumagamit din ng ilegal na droga ang biktima gayundin ang suspek.

Aminado naman ang suspek na gumagamit siya ng droga pero iginiit niya na hindi siya ang pumatay sa biktima.

Patuloy ngayong tinutugis ng mga awtoridad ang dalawa pang kasabwat ng suspek.

Facebook Comments