Buntis, sawi matapos mabangga ng naka-drogang driver; sanggol, kritikal

49

Patay ang isang babaeng higit walong buwan nang buntis matapos masagasaan ng driver sa California, US na hinihinalang nasa impluwensya ng droga.


Ayon sa Anaheim Police Department, naglalakad sa tabing-kalsada si Yesenia Lisette Aguilar, 23, kasama ang kanyang mister nang mangyari ang insidente.

Sa salaysay ng mister, namataan nilang nawalan ng kontrol at hindi humihinto ang sasakyang minamaneho ng kinilalang si Courtney Pandolfi, 40-anyos.

Nagawang umiwas ng mister at tinangka umanong hilahin ang misis, ngunit nabitawan niya ito.

Habang naisilang naman via cesarean section ang sanggol na naiulat na nasa intensive care unit.

Dinakip ang suspek sa kasong driving under the influence of drugs or alcohol, vehicular manslaughter at driving on a suspended license.

Facebook Comments