Buntis sinabuyan ng tubig, sinuntok sa mukha dahil umano ‘Chinese’

Nakaranas ng panghaharas ang isang buntis na Asian-American sa Philadelphia, United States, nang dahil umano sa kanyang lahi.

Sa ulat ng WPVI noong Miyerkules, sinalaysay ng biktimang si Jing Chen na naglalakad sila ng 12-anyos na anak nang bigla na lang silang wiligan ng tubig ng isang babae.

Nang komprontahin ang babae, binulyawan umano sila nito ng masasamang salita at binanggit ang lahi niyang Chinese.


Sinagot daw ni Chen ang babae ng “You too!” at nang balikan sila nito ay tinanong niya ng, “What you gonna do I’m pregnant, are you going to hurt me?”

Sa pagkakataong ito tiningnan lang daw ng babae ang kanyang baby bump saka siya biglang sinapak sa mukha.

Pinaghahanap na ng awtoridad ang suspek na nakilalang si Delores Marte, na isa umanong palaboy.

Bagaman binigyang-diin ng biktima ang kanyang lahi na dahilan ng insidente, sinabi ng Philadelphia District Attorney’s Office na walang sapat na ebidensya na kaso ito ng “ethnic intimidation”.

Sinabi rin ni Chen na hindi pa siya lumalabas sa bahay mula Agosto 4 dahil sa takot na naidulot sa kanya ng nangyari.

Facebook Comments