Manila, Philippines – Buo ang suporta ni Senate President Tito Sotto sa plano ng Philippine Drug Enforcement Agency na isailalim sa random drug test ang mga grade 4 pupils pataas.
Sa kaniyang talumpati sa16th anniversary ng PDEA,Binigyan diin ni Sotto na hindi layunin ng balakin na ibuking kung sino ang tumitikim ng illegal drugs.
Sa katunayan, Pinuri ni Sotto si PDEA director Aaron Aquino sa katatagan nito na isulong ang hakbang kahit hindi ito popular.
Si Aquino aniya ang nagsakatuparan ng una niyang bisyon o pangarap noong una siyang maupo bilang Chairman ng Dangerous Drugs Board noong 2008 hanggang 2009.
Noon ay naisip na niya Malaking bagay ang Prevention program.
Ang mga ganitong prevention measures aniya ay isang pangunahing factor o salik para ang Pilipinas ay maging Drug resistance.
Dahil sa pamamagitan nito,mabilis na mapipigilan ang drug use o pagsaklot ng drug addiction sa mamamayang Pilipino.