BUO ANG SUPORTA | VP Leni Robredo, nais magtagumpay si Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Nais ni Vice President Leni Robredo na magtagumpay
ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Dutete.

Ayon kay Robredo – sa kabila ng kanilang political differences, buo ang
kanyang suporta kay Duterte.

Nilinaw din niya na hindi ibig sabihin na kapag ‘supportive’ ay dapat
sumang-ayon sa lahat ng oras.


Binigyang diin pa ng Bise Presidente na obligasyon ng lahat na tapikin o
kalampagin ang isang public official kung may ginagawa na itong mali.

Nanawagan din si Robredo sa pangulo na makinig din sa mga kritisismo at
tanggapin ang mga ito.

Muli ring itinanggi ni Robredo na bahagi siya ng di umano’y destabilization
plot laban sa Pangulong Duterte.

Facebook Comments