Malamig na panahon ang asahan sa malaking bahagi ng Luzon at Kabisayaan.
Ito ay dahil umiiral pa ang hanging amihan.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – magiging maaliwalas pa rin sa Luzon kasama na ang Metro Manila.
Sa Visayas at Mindanao, mananatili rin ang magandang panahon.
Walang nakataas na gale warning kaya pwedeng pumalaot ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat.
Facebook Comments