BUONG BANSA | Jeepney modernization, hindi lang sa Metro Manila – Malacañang

Manila, Philippines – Nanindigan ang Palasyo ng Malacañang na kailangang ipatupad ng pamahalaan ang modernisasyon ng jeepney sa bansa at hindi lang sa Metro Manila.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque sa harap na rin ng pangamba ng ilang jeepney operators at drivers na baka hindi kayanin ng mga bagong uri ng jeepney ang tarik ng mga kalsada sa Baguio o maging sa buong Cordillera Region.

Ayon kay Roque, para sa buong bansa ang pagpapatupad ng modernisasyon at hindi lang ito limitado sa mga pampasaherong jeep.


Nilinaw din naman ni Roque na unti-unti lang itong ipatutupad ng pamahalaan dahil ang mga bulok at mausok na mga sasakyan lang naman ang inaalis ni pamahalaan sa mga kalsada.

Inihayag din naman ni Roque na interesado ding magtayo ang Russian Government ng monorail system sa Baguio City para magkaroon ng alternatibong transportasyon.

Facebook Comments