Mas maraming trabaho, kalidad na serbisyo at higit na mapapabuti ang buhay ng mga taga-San Jose del Monte City sa Bulacan oras na maging Highly-Urbanized City (HUC) ang lungsod.
Upang matamo ang kaunlaran sa San Jose del Monte City, hinihikayat ni Congresswoman Rida Robes ang mga botante ng San Jose del Monte na bumoto ng YES bilang HUC sa darating na Oktubre 30, 2023 kasabay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Makikinabang din ang karatig lalawigan ng SJDM kung ito ay magiging highly urbanized city.
“Ito na ang pagkakataon at tamang panahon na ibigay ang mas mainam at mahusay na serbisyo sa mga taga-San Joseno. Oras na pumayag ang mga taga-San Jose para sa HUC, lalago ang ekonomiya at mabibigyan ng trabaho ang karamihan dahil maeengganyo na magnegosyo sa ating lungsod ng mga namumuhunan,” ayon kay Congw. Robes.
Bukod pa rito, mas malaking pondo ang makukuha ng lungsod mula sa pambansang pamahalaan upang maisaayos ang mga imprasturktura, edukason at iba pang serbisyong pang-komunidad.
Ayon kay San Jose Del Monte City Mayor Arthur Robes na kung maraming papasok na pondo sa lungsod, makakapagpagawa ng maayos na imprastruktura, madaragdagan ang mga namumuhunan, maraming mabibigyan ng trabaho pati sa katabing mga lalawigan at ciudaf at makakaakit ng turismo.
“We have started laying the foundation in the city wherein we only have one aim that is to improve the lives of San Josenos,” saad ng punong lungsod.
Makakatulong din aniya ang pagiging HUC sa paglago at pag-unlad ng lungsod sa pamamagitan ng masusing pagpaplano at pamamahala.
Ang pagiging HUC ay magreresulta sa mas agarang pangangasiwa sa lokal na patakaran, regulasyon at paggawa ng desisyon.
“Maaaring i-channel ng lungsod ang mga pamumuhunan sa mas mabuting serbisyong pampubliko tulad ng edukasyon, pangagailagang kalusugan, kalinisan at kaligtasan ng publiko, pagppaunlad ng mga pinahusay na paaralan, ospital at mahahalagang serbisyo sa komunidad,” ani Robes.
Noong Disyembre 2020, ipinroklama ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan bilang highly-urbanized city sa bisa ng Proclamation No. 1057.
Kailangan na lamang na bumoto ng YES ang mga taga-San Jose del Monte sa panlalawigang plebisito upang maging ganap na HUC.