Buong Cavite, isasailalim na sa GCQ sa Mayo 16, 2020

Inanunsyo ni Cavite Governor Jonvic Remulla na sasailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) ang buong probinsya ng Cavite sa Mayo 16, 2020.

Kasunod ito ng pahayag ng Malakanyang na ilalagay na sa GCQ ang lalawigan ng Cavite pagkatapos ng ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa May 15, 2020.

Bagama’t wala pang pinal na alituntunin sa ilalim ng GCQ, inilahad naman ni Remulla ang ilang mga guidelines na dapat sundin ng kanyang mga constituents.


Kabilang dito ang mahigpit pa rin na pagsusuot ng face mask at pagdadala ng quarantine pass sa tuwing lalabas ng tahanan gayundin ang mahigpit na pagpapatupad pa rin ng curfew na alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Papayagan lamang ang mga residente sa labas ng bahay na walang quarantine pass kung ang mga ito ay papasok sa kanilang mga trabaho.

Bukod dito, balik operasyon ang ilang mga malls pero limitado lamang ang mga bukas na stalls habang take-out services muna ang papayagan sa mga magbubukas na mga restaurants.

Pag-aaralan naman ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng lisensya para payagan ang mga tindahan na makapagbenta muli ng alak bagamat epektibo pa rin ang liquor ban sa lalawigan.

Samantala, sisimulan naman ng pamahalaan ng Cavite ang targeted testing sa Lunes kung saan prayoridad dito ang mga frontliners, na susundan ng mga PNP personnel at relief workers.

 

Facebook Comments