Buong gusali ng Senado, isinasailalim sa disinfection at sanitation

Nagpapatupad ang Senado ng restricted access at hindi naka-lockdown.

Ayon kay Retired General Rene Samonte, isinailalim na ngayon sa disinfection at sanitation ang buong gusali ng Senado alinsunod sa deriktiba ni Senate President Tito Sotto III.

Ito ay makaraang makumpirma na isang resource person sa hearing noong March 5 ng nagpositibo sa COVID-19.


Dagdag pa ni General Samonte, nire-review na nila ang CCTV footages sa Senado para matukoy ang mga nakasalamuha ng nabanggit na resource person.

Kasabay nito, ay nilinaw naman ni Senate President Tito Sotto III na restricted access lamang at hindi lockdown ang ipinapatupad ngayon sa Senado.

Paliwanag ni Sotto, maari pa ring magpunta sa Senado ang mga empleyado na may kailangang asikasuhin.

Sabi ni Sotto, kahit may COVID-19 ay kailangang pa ring magtrabaho ang Senado dahil kailangan ito ng mamamayan.

Pero diin ni Sotto, ipinag-utos niya ang mahigpit na pagpapatupad ng mga hakbang laban sa COVID-19.

Inatasan din ni Sotto ang lahat ng empleyado ng Senado na agad mag-self quarantine o self-isolation kung nagbiyahe sa ibang bansa at may nakasalamuha na COVID-19 patient.

At kailangang magkipag-ugnayan na sa health authorities kung mayroon ng nararamdamang sintomas.

Facebook Comments