Buong hanay ng Pambansang Pulisya, suportado ang bagong OIC chief ng PNP

 

Suportado ng buong 232,000 na miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakatalaga kay Police Lieutenant General Emmanuel Peralta bilang Officer-in-Charge ng PNP.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, nagpapasalamat ang buong hanay ng Pambansang Pulisya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., maging kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos dahil sa tiwala at suporta kay Gen. Peralta.

Ani Fajardo, maituturing na crucial ang pagkakatalaga kay Peralta bilang OIC chief ng PNP kung kaya’t sinabi nitong committed ang buong hanay ng pulisya sa mga programa ng kasalukuyang administrasyon na layong itaguyod ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.


Sa ilalim aniya ng panunungkulan ni Gen. Peralta ipagpapatuloy ang mga magagandang programa ng mga nakalipas na pinuno ng PNP tulad ng iiwang legasiya na “KASIMBAYANAN” ni outgoing PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr.

Samantala, ngayong araw ay nakatakda ang change of command ceremony para kay Gen. Peralta kung saan pangungunahan ito mismo ni Pangulonh Marcos.

Si Peralta ay miyembro ng Philippine Military Academy “Sambisig” Class of 1991 kung saan bago ito mapili bilang PNP OIC Chief ay nagsilbi siya bilang deputy chief for administration.

Naging pinuno rin ito ng Directorial Staff at nagsilbing hepe ng Police Regional Office 1 sa Ilocos Region at Southern Police District.

Facebook Comments