Epektibo ngayong araw naka- full alert status na ang pulisya sa buong bansa bilang paghahanda sa nalalapit na halalan.
Kaya naman dinagdagan ng Philippine National Police ang pwersa ng magbabantay ngayong election period.
Mula 143 thousand ay magiging 160-thousand na ang mga pulis na tututok para manatili ang peace and order sa mismon araw ng halalan.
Ayon kay PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac, sa kanilang deployment, kahit mga Administrative Personnel ay bibigyan na din ng election duties.
Sa ngayon walang nakikitang direktang banta sa seguridad ang PNP para sa nalalapit na eleksyon.
Facebook Comments